NAGA CITY- Sugatan ang isang incumbent Barangay Kagawad matapos sakalin ng isang lalaki sa Baranagay La Victoria, Bula Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Edna Banega, incumbent barangay kagawad sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang opisyal nang bigla itong hinila ng suspek na si Richard Barado, 22-anyos.

Kaugnay nito, agad naman itinakbo sa ospital ang biktima.

Samantala, boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga otoridad.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang hinahand na ang kasong isasampa laban sa suspek.