NAGA CITY- Nagpapatuloy ang iba’t ibang intervention na isinasagawa ng Public Safety office Naga upang mapanatili ang kaayusan sa buong lungsod.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Renne Gumba, Head ng Public Safety Office, sinabi nito na maging ang mga problema sa mahabang pila sa mga terminal o sakayan ay hinanap na nila ang paraan at upang mapabuti ang sistema dito.
Nagkaroon na rin sila ng inspeksyon at pagrehistro ng mga pedicab sa lungsod kung saan sila na mismo ang pumupunta sa mga barangay at hindi na sila nag-aantay pa na pumunta ang mga ito sa City Hall.
Maliban pa dito, tinututukan rin nil ang road safety at road clearing.
Ang nasabing hakbang ay upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng naitatala na aksidente sa mga kalsada na kadalasan ay nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.
Kaugnay nito, nagpaalala na rin ang opisyal sa lahat na mga motorista at driver na laging ihanda ang mga dokumento ng kanilang mga sasakyan na ginagagamit upang walang maging aberya sa mga isinasagawang mga one time big time operation.