Isang barkong hinihinalang ginagamit bilang “floating armoury” sa Gulf of Oman ang umano’y sinamsam ng mga tauhan ng militar ng Iran, ayon sa isang maritime risk management company.

Ayon sa ulat, huling na-monitor ang Honduras-flagged vessel na Hui Chuan sa layong 70 kilometro hilagang-silangan ng Fujairah sa United Arab Emirates noong Miyerkules.

Sinabi ng operator ng barko na ginagamit umano ito bilang floating armoury o imbakan ng armas para sa mga pribadong security firms na nagpoprotekta sa mga barko laban sa banta ng pirata sa karagatan.

Gayunman, hindi pa rin malinaw kung anong klase ng armas ang sakay ng barko at kung sino-sino ang gumagamit nito.

Advertisement

Nauna nang iniulat na karaniwang ginagamit ang mga floating armoury vessels sa mga bahagi ng Red Sea, Gulf of Aden, at Gulf of Oman bilang drop-off at collection point ng armas at ammunition para sa maritime security personnel na nagbabantay sa mga barkong dumaraan sa mga lugar na may mataas na banta ng piracy.

Advertisement