Tinuligsa ng Iran ang peace proposal ng United States para wakasan ang digmaan sa Gitnang Silangan, habang naglunsad ito ng panibagong missile strikes laban sa Israel.
Tinawag ng Iran na “unrealistic, illogical, at excessive” ang panukala ng US. Kasabay nito, lumawak pa ang tensyon matapos makisali sa labanan ang Houthi rebels mula Yemen at Hezbollah mula Lebanon na kapwa nagsagawa ng pag-atake sa Israel.
Bilang tugon, sinabi ng militar ng Israel na nagsagawa ito ng airstrikes sa mga target na imprastraktura militar sa Tehran at Beirut.
Dahil sa patuloy na kaguluhan, muling tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Nagbabala naman si Donald Trump sa Iran na panatilihing bukas ang Strait of Hormuz o haharap ito sa posibleng pag-atake sa mga energy facilities nito.














