Iniulat ng ng isang opisyal ang pahayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) na naglalaman ng sunod-sunod na pangyayari kaugnay ng umano’y palitan ng putok sa pagitan ng pwersa ng Estados Unidos at Iran.
Ayon sa ulat sinabi ng Islamic Revolutionary Guard Corps na nagsimula ang insidente matapos umanong tamaan ng pwersa ng US ang isang oil tanker ng Iran malapit sa Strait of Hormuz, na nagdulot ng pinsala sa engine room nito.
Dagdag pa ng IRGC, gumanti umano ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng pag-atake sa isang barkong US-Israeli gamit ang mga missile na pandagat.
Kasunod nito, sinabi ng IRGC na target naman ng pwersa ng Estados Unidos ang isang communications tower ng IRGC na matatagpuan sa timog ng Qeshm Island.
Ayon pa sa kanilang salaysay, gumamit umano ang IRGC ng mga missile at drone sa pag-atake sa isang base militar ng US, kabilang ang headquarters ng US Fifth Fleet at ilang helicopter na anila ay matatagpuan sa isa sa mga bansa sa rehiyon.
Wala pang independent verification ang mga naturang pahayag mula sa panig ng Estados Unidos at iba pang kinauukulang awtoridad, habang patuloy na inaalam ang tunay na pangyayari sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.














