NAGA CITY-Timbog ang isang lalake sa Tiaong, Quezon pagkatapos ang isinagawang buy bust operation dito.

Kinilala ang suspek na si alyas Rodelio, 42 anyos, residente ng Brgy. San Jose, Tiaong, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na inaresto ang suspek pagkatapos na makabili ang kanilang poseur-buyer sa suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nang kinapkapan ng mga awtoridad ang suspek, dito pa nakuha sa kanya ang 15 sachet pa ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang bigat ng 6.90 grams at nagkakahalaga ng 140,760 Pesos.

Sa ngayon, nasa Tiaong Municipal Station na ang suspek para sa karampatang disposisyon.