Makakasabay na sa ensayo ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto bilang paghahanda sa fifth window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers, ayon kay head coach Tim Cone.

Sinabi ni Cone na kasama si Sotto sa mga babiyahe patungong Seremban, Malaysia sa Nobyembre 21.

Kinumpirma rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagsama kay Sotto sa 12-man roster ng national team, matapos ang mga agam-agam kung makalalaro pa ito dahil sa dati nitong injury.

Ayon pa kay Cone, nakapaglaro na si Sotto sa pinakahuling laro ng Japan League at nais nitong muling makapaglingkod sa pambansang koponan.

Advertisement

Naging mahalagang bahagi si Sotto sa mga nakaraang panalo ng Gilas Pilipinas kontra Iran at Jordan noong fourth window ng qualifiers.

Para naman sa susunod na window, nakatakdang makaharap ng pambansang koponan ang Syria at Iran.

Advertisement