Dominado ng Gilas Pilipinas ang Syria matapos magtala ng 97-58 panalo sa kanilang paghaharap sa Window 5 ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers sa Karisma Arena sa Malaysia.Bumili ng Globo

Naging dikitan ang palitan ng puntos sa unang quarter na nagtapos sa tabla, 18-18. Ngunit nag-init ang Gilas sa second quarter at nakalamang ng 11 puntos bago tuluyang kontrolin ang laro.

Sa third at fourth quarters, lalo pang pinatindi ng Pilipinas ang opensa at depensa, nakapag tala ang Gilas Pilipinas ng 54 points sa pinag samang quarter, habang 26 points lamang ang nagawa ng Syria.

Nanguna sina Kai Sotto at Kevin Quiambao sa opensa ng Gilas na may tig-18 puntos, nagpakawala naman si Quiambao ng anim na three-point shots mula sa walong attempts.

Advertisement

Nagpakitang-gilas din si Bennie Boatwright sa kanyang unang laro para sa Gilas, matapos magtala ng 16 points at 12 rebounds.

Susunod na haharapin ng Gilas Pilipinas ang Iran sa Linggo, Nobyembre 29, 2026, ganap na alas-5 ng hapon sa parehong venue

Advertisement