NAGA CITY – Natagpuan ang kalansay ng isang lola sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Lerma Arellano De Los Santos, 67-anyos, residente ng Brgy. Malinao Ilaya sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa liblib na bahagi ng lugar ang isang Vladimir Santos Glodoveza para hanapin ang alaga nitong manok, ngnatagpuan nito ang nasabing kalansay na agad naman nitong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad naman na ipinagbigay-alam ni Glodoveza sa anak ng biktima na si Janice Clamar ang nasabing insidente, dahil alam umano nito na nawawala ang kanyang ina simula pa noong Nobyembre 2021.

Advertisement

Kaugnay nito, positibong kinilala ni Clamar ang biktima ayon na rin sa suot nito ng panahon na umalis ito sa kanilang bahay.

Samantala, dati na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima dahil na rin sa nararanasan nitong depression at problema sa kalusugan.

Madalas umanong sinasabi ng biktima na plano nitong magpakamatay upang hindi na gumastos pa para sa kanyang sakit.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad higgil sa nasabing insidente.

Advertisement