NAGA CITY- Kinansela na ngayon ng provincial government ng Camarines Sur ang taunang Kaogma Festival.

Sa ipinaabot na impormasyon ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, sinabi nitong base sa mga impormasyon at abiso na ipinalalabas ng

Department of Health (DOH) kung saan patuloy sa paglobo ang mga nagpopositibo sa nasabing sakit.

Tiniyak naman ni Villafuerte na ginagawa ng provincial government ang lahat ng preventive measures para maiwasan ang local transmission ng
COVID-19 sa lalawigan.

Nanawagan naman ito sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad at sumunod sa mga pinapatupad na kautusan laban sa nasabing sakit.

Ang naturang selebrasyon ang nakatakda sanang simulan sa Mayo 23 hanggang 31, 2020.