Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na makatutulong ang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, gayundin ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, upang maibsan ang epekto ng mga hamon sa pandaigdigang supply chain.

Ayon sa DA, maaaring magresulta ito sa pagbaba ng gastos sa mga agricultural input tulad ng mga produktong kailangan ng mga magsasaka, gayundin sa mga gastusin sa transportasyon na mahalaga sa produksyon at distribusyon ng mga produktong agrikultural.

Sinabi ng kagawaran na ang positibong pagbabago sa pandaigdigang kalakalan ay makatutulong habang naghahanda ang bansa para sa paparating na planting season ng palay. Layunin nitong mapanatili ang sapat na suplay at makatulong sa mga magsasaka sa gitna ng patuloy na pagbabago sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa agrikultura.

Binigyang-diin ng DA na patuloy nitong minomonitor ang mga pandaigdigang kaganapan na maaaring makaapekto sa sektor ng agrikultura, kabilang ang presyo ng mga input at logistics, upang makapagpatupad ng mga hakbang na makatutulong sa mga magsasaka at sa seguridad sa pagkain ng bansa.

Advertisement
Advertisement