NAGA CITY-Nakuha ang katawan ng isang lalakeng pinatay sa Lucena City, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Edmon Jaluague Marquez, 44 anyos, residente ng Purok 7 Riverside, Brgy. Dalahican, Lucena City, ng nabanggit na probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ng tawag ang imbestigador ng Lucena City Police Station na may nadiskubreng katawan na lumulutang sa riverbank sa Purok 7 Riverside, Brgy. Dalahican, Lucena City alas-9 ng umaga kahapon Mayo 19.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, ang biktimang si Marquez huling nakita aniya ng mga kapitbahay nito, at nakita sa riverbank ng isang Mercedes Nio Oriel, residente rin ng nabanggit na barangay.

Nang inalis aniya ang katawan ng biktima sa ilog, nakitang may mga saksak ito sa kanyang dibdib.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring insidente.