NAGA CITY – Nakatakdang isagawa sa darating na ikalabing walo ng Marso taong kasalukuyan ang coronation night ng Face of Beauty International sa bayan ng Camaligan sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon kay Onin Nas, Managing Director ng nasabing beauty pageant, layon ng kanilang organisasyon na matulungan ang nasabing bayan na mas maipakilala pa ang kanilang mga tourism sites lalong-lalo na ang Camaligan Water Park.

Maliban pa dito, malapit rin ito dito sa lungsod , na isa mga malalaki at kilalang lungsod sa lalawigan ng Camarines Sur at sa buong rehiyon ng Bicol.

Aniya, nakikita umano nila ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Camaligan upang matulungan ang mga mamamayan na mas maging maganda ang kanilang pamumuhay.

Binigyang diin pa ni Nas na highlight ng Face of Beauty ang pagsasagawa ng mga charity activities dahil isa rin itong charity-based pageant.

Isa naman sa mga makikinabang sa kanilang charity activites ang Camaligan National High School at sa pamamagitan ng kanilang programa, tutulungan ng mga ito na maipatayo ang Audio-Visual Room sa nasabing paaralan na magigin malaking tulong para sa mga estudyante dito.

Samantala, nasa dalawamput-pitong kandidata mula sa Asia, Europa, Africa, at America ang maglalaban-laban para sa korona, kung saan mula naman sa bayan ng Nabua sa lalawigan ng Camarines nagmula ang pambato ng Pilipinas para sa nasabing beauty pageant.