NAGA CITY- Malayo pa sana aniya ang mararating ng nasawing co-pilot ng Huey Helicopter ng Phil. Air Force na si Capt. Feorelio Bernardo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Julius Sanchez, pinsan ng nasawi, ng Brgy. Dayangdang, Naga City, sinabi nito na sa edad pa lamang na 32-anyos, naabot na agad nito ang kaniyang ranggo.

Dagdag pa nito, halos 10 taon na rin aniya ang naigugol nito sa kaniyang serbisyo bago ang insidente.

Ayon pa dito, halos magkasabay silang lumaki kaya labis ang kanilang pagdadalamhati sa pagkasawi ni Capt. Bernardo.

Advertisement

Noon pa naman aniya, pangarap na ni Capt. Bernardo ang maging piloto kaya nakakalungkot na hindi na nito naabot ang kaniyang pangarap.

Sa ngayon, kasalukuyan na itong nakaburol sa Eternal Gardens sa Naga City.

Advertisement