NAGA CITY- Dead-on-arrival ang isang laborer matapos na makuryente sa Brgy. San Ramon, Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ryan Valderama, 36-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nililinisan ng biktima kasama ang apat na iba pa ang isang punong kahoy na nagsisilbi bilang electrical post nang putulin nito ang sanga ng nasabing kahoy sa kabila nang babala ng kanyang kasamahan tungkol sa live wire.

Dahil hindi nakinig ang biktima kung kaya aksidenteng tinamaan nito nasabing live wire na naging dahilan upang makuryente ang biktima.

Agad naman sanang isinugod sa Buhi Community Hospital si Valderama para sa asistensya medikal pero ideneklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy an isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.