Arestado ang isang umano’y drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Lagonoy, Camarines Sur noong Abril 23, 2026.

Itinago ang suspek sa alyas na “Glen,” 38 anyos, na naaresto matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang undercover operative kapalit ng marked money sa Zone 7, Barangay San Sebastian.

Isinagawa ang operasyon ng Lagonoy Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ Jaime L. Enciso, katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V. Nakarekober din ang mga awtoridad ng karagdagang ebidensya ng ilegal na droga at buy-bust money sa suspek.

Ayon sa pulisya, maayos na naisagawa ang operasyon alinsunod sa mga legal na proseso, kabilang ang on-site inventory at dokumentasyon sa presensya ng mga saksi gamit ang Alternative Recording Devices. Patuloy namang isinasailalim sa imbestigasyon ang kaso ng suspek.

Advertisement
Advertisement