NAGA CITY- DEAD on the spot ang isang lalaki sa Guinayangan, Quezon matapos itong barilin.

Kinilala ang biktima na si Mario Mabini Francis, 42 anyos, residente ng Barangay Calimpak, Guinayangan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na isang barangay tanod umano ang pumunta sa Guinayangan Municipal Police Station upang ireport ang insidente ng pambabaril sa Brgy Calimpak, Guinayangan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid pa na habang nakikipag-inuman umano ang biktima sa bahay ng isang Alejandro Dela Cruz, ng bigla na lamang dumating ang dalawang suspek at binaril nito sa kaniyang mukha si Francis na nagin rason ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad rin umanong tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malaman na direksyon

Habang patuloy naman ang isinasagawan imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nasabing insidente.