NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng bus sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jose Oscar Plaza II, 25-anyos, residente ng Naic, Cavite.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ng nasabing bus na minamaneho ni Gerry Bigaso Mojos, 48-anyos ang kalsada papunta sa Barangay Calomanguin nang bigla umanong tumawid si Plaza at mabangga ng sasakyan.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa pagamutan ngunit ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa insidente.