NAGA CITY- Patay ang isa katao sa gitna ng police operation sa Purok Kamansi, Brgy Gumian, Infanta, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Arnel De Jesus Oliva, 53-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad dahil sa pagwawala ng suspek sa lugar.
Kaugnay nito, agad naman na rumesponde ang mga otoridad ngunit pag-dating sa lugar, inatake ng suspek ang police mobile kunsaan pinagtataga nito ang sasakyan.
Sinubukan pa umano nitong tagain ang isa sa mga pulis dahilan para paputukan na ni PSMSgt. Lyndel Curia Inolpe.
Nagtamo ng sugat sa kanyang katawan ang suspek na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.