NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na ma hit and run sa kahabaan ng Maharlika Highway, Zone 1 Brgy. Bonifacio, San Fernando, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Yvanne Kris Murillo, 35-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang tumatawid si Murillo sa nasabing lugar ng mabundol ito ng isang behikulo na minamaneho ng hindi pa nakikilalang indibidwal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang nasabing biktima na agad naman itong dinala sa ospital para sa asistensiya medikal ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang naturang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad habang patuloy naman ang pagtunton sa suspek para sa karampatang disposisyon.