Photo©Web

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos ma-hit and run sa Pagbilao, Quezon

Kinilala ang biktima na si Alyas Romel, 56-anyos at residente ng Peninsula Homes Pagbilao sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakatanggap ang Pagbilao MPS ng tawag hinggil sa insidente sa National Highway, Brgy. Mapagong sa nasabing bayan.

Agad na pinuntahan ng naka-duty na patrollers personnel ang pinangyarihan, at pagdating ng mga awtoridad, nakita nila ang nakahandusay na katawan ng biktima at wala ng buhay.

Advertisement

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, na nabangga ng isang Nissan Navara na minamaneho ni Alyas Ian, 47-anyos at residente ng Zone 3 Barangay Manguisian, ang biktima na noon ay naglalakad sa kabila ng nasabing kalsada na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Agad namang tumakas ang suspek iniwan ang kanyang biktima at patungo sa timog na direksyon (BICOL).

Samantala, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad katuwang ang Atimonan MPS, na nagresulta naman sa pagkakaaresto sa nasabing suspek.

Advertisement