Lalaki patay matapos malunod sa Quezon
NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na malunod sa Brgy Capalong, Real Quezon.
Kinilala ang biktima na si Rodrigo Del Rosario Larroco, 29-anyos, residente ng Barangay Tanyong, Marikina City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nakatanggap ng ulat ang mga otoridad hinggil sa naturang insidente kung kaya agad ang mga itong rumesponde sa lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon napag-alaman na habang lumalangoy ang biktima kasama ang mga kaibigan nito ng bigla na lamang lumaki ang alon na naging dahilan para madala ito pailalim.
Agad naman itong tinulungan ng mga life guard kung saan sinubukan pa itong i-revive habang binabyahe papunta sa ospital, ngunit idineklara din itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.