NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Real, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Eduenga, 47-anyos residente ng Purok Rose, Barangay Poblacion Uno sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang biktima ng kapatid nito na wala ng buhay habang nakabigti sa loob ng kanilang pagmamay-aring nipa house.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal ngunit idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.