NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagbabadirin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Cornelio Cuevas, 48-anyos, residente ng Sitio Labak, Brgy. Poblacion, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng kaniyang sariling behikulo ang biktima na nakaparada sa tabi ng kalsada nang bigla na lamang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na dahil sa insidente, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi pa malaman na direksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng pagkakakilanlan at kinlalagyan ng mga suspek.