NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos tamaan ng metal spur mula sa pangsabong na manok sa Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ronnel Nator, 47-anyos, residente ng Barangay Candalapdap sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na papakawalan na sana umano ng biktima ang pangsabong nitong manok na armado ng metal spur nang bigla itong maglumikot at aksidenteng sunod-sunod na tamaan ang kaliwang binti nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad namang isinugod sa ospital ang biktima ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.