NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Barangay Sampaguita San Antonio Quezon.

Kinilala ang biktima na si Christopher Apuntar, 29-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ni Lovely Isabedra Apuntar, asawa ng biktima, si Christopher na wala ng buhay at nakabigti sa isang kahoy.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing na away-bati ang relasyon ng mag-asawa.

Sa ngayon, nakahimlay na ang katawan ng biktima sa kanilang residensiya sa naturang lugar.