NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang indibidwal sa Purok Caimito, Brgy. Magsikap, General Nakar, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Romel Bona, 24-anyos residente ng Purok Santol, sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng isang menor de edad ang wala nang buhay ang katawan ng biktima sa ilalim ng puno ng niyog sa tabi ng kalsada at puno ng uod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ayon sa asawa ng biktima, umalis si Bona sa kanilang bahay noong Oktubre 1, 2023 na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak at nakasalubong din ng isang Jerry Ursilada sa kaparehong araw.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad higgil sa nasabing insidente.