NAGA CITY- Dead on arrival ang isang lalaki matapos saksakin sa Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Jake, 40 taong gulang at residente ng Purok 3, Brgy. Barra sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakatanggap ng tawag ang awtoridad hinggil sa nasabing insidente sa Dalahican Road, Purok 3B, Brgy. Dalahican.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa nasabing barangay, nang bigla na lang dumating ang suspek na kinilalang si Alyas Mac, 24-anyos at residente ng Purok Isla Matahimik, Brgy. Cotta.
Dito rin, sa hindi pa malamang rason, bigla nalang sinaksak ng suspek ang biktima.
Agad naman dinala sa ospital ang biktima para sa tulong medikal ngunit sa kasamaang palad, idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, agad na tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang naturang suspek.