NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagtatagain sa Brgy. Dungawan Paalyunan, Guinayangan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Furtunato Dabo Manzilla, 34-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nagkaroon ng mainit na diskusyon ang biktima at ang suspek na si Marcelo Mojica Panganiban, 49-anyos na nagresulta sa pagbunot ng suspek sa kanyang bolo at ilang beses na pinagtataga ang biktima.
Dahil dito, nagsapo ng sugat sa parehong binti nito ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.