NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Zone 1, San Agustin, Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Razel Agapito, 21-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa panaya ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Bella Cereno, tagapagsalita ng Iriga City Police Office, sinabi nito na habang nakaupo ang biktima sa kaniyang motorsiklo nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at nagtanong ng direksiyon sa biktima.

Ngunit, hindi nagtagal nang bigla na lamang pinapaputukan ng suspek si Agapito.

Sa inisyal na imbestigasyon kan mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan ang nasabing biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa atensiyong medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng pagkakakilalan at pagkakaaresto ng nakatakas na suspek.