NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsaksaksakin ng kanyang kainuman sa Brgy. Pagatpatan, Bato Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Macario Tagle 50 anyos habang kinilala naman ang suspek na si Jorge Seba Jr. 50 anyos mga residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSsg. James Iglopas investigastor on case ng Bato PNP, sinabi nitong nag-iinuman umano ang dalawa ng magkaroon ito ng hindi pagkaka-unaawaan na nagresulta sa pananaksak ng suspek.

Dahil dito, nagtamo ng saksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na agad namang isinugod sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad habang nakatakda namang magsampa ng kaso ang kampo ng biktima.