NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng sariling tiyuhin sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ronil Litargo Villagracia, 27-anyos, residente ng Sitio Silangan, Barangay Palagara sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na kinilalang si Gilberto Manimtim Villagracia, 51-anyos nang biglang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa.

Dahil dito, kinuha ng suspek ang kaniyang bolo at tinaga si Villagracia rason para magtamo ng sugat sa kaniyang ulo ang biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestogasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.