NAGA CITY-Nakumpiska ang lampas 200,000 Pesos na halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Jolo, 49 anyos, residente ng Capitol Homesite, Brgy. Cotta, Lucena City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, inaresto aniya ang suspek pagkatapos na makabili dito ang poseur-buyer ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nang kinapkapan ang suspek, nakuha pa dito ang dalawa pang sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga.

Ayon sa mga awtoridad, may kabuuang bigat ng 10.4 grams ang nakumpiskang ilegal na droga at nagkakahalaga ng 212,160 Pesos.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang suspek para sa karampatang disposisyon.