NAGA CITY- Patay ang isang lola matapos na mabangga ng isang van sa Barangay Malinao Ilaya Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Belen Ambas, 82-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na patawid na sana sa kabilang kalsada ang biktima nang mabangga ito ng van na minamaneho ni Ruel Ricohermoso, 45-anyos.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para malapatan ng lunas ngunit ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.