NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lola sa magubat na bahagi ng Barangay Kinamaligan, Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Fe Matriano Alcala, 72-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na apat na araw nang pinaghahanap ang biktima ng mga kamag-anak nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na Marso 25, 2022 pa ng umalis si Fe sa bahay ng anak nito na si Mylene Alcala Monforte ngunit hindi na ito nakauwi pa.

Ngunit, ayon naman sa mga residente sa lugar, nakita pa ng mga ito ang biktima na naglalakad-lakad at bingyan pa nila ito ng pagkain at inumin.

Samantala, ayon naman sa isa pang anak ng biktima na si John Matriano Alcala na mayroong sakit na Alzheimer’s Disease si Fe.

Sa kabila nito, naniniwala naman ang mga awtoridad na walang nangyaring foul play sa nasabing insidente.Top