NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos magpatiwakal sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Nestor Lakian, 67-anyos residente kan Brgy. Tabing Dagat sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ng kaniyang anak ang wala nang buhay na katawan ng biktima na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigsyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na agad naman sanang dinala si Nestor sa ospital para sa asistensiya medikal ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, tinitingnan naman ng mga kapulisan na may Mental depression ang biktima dahil sa medical health condition nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.