NAGA CITY – Patay ang isang drug personality sa anti-illegal drug operation ng kapulisan sa Zone 4 Sitio Agik-Ikan East, Brgy. Malawag, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala suspek na si Wilmor Solera, 60-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na una nang nakabili ang puseur buyer ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Ngunit bigla umanong nakaramdam ang suspek kung kaya agad itong bumunot ng cal. 38 revolver at pinaputukan ang mga otoridad ngunit pumalya.

Doon na umano nagpaputok ang operating team kung saan tinamaan ang suspek na agad namang itinakbo sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Maliban sa isang sachet ng droga, buy bust money at baril, may narekober pa ang mga otoridad na 11 sachet pagdating sa punerarya.