NAGA CITY- Handa na ang Mabolo National High School para sa pagbabalik ng klase sa darating na Lunes, November 11, 2024.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Shiela Taugan, Mabolo National High School Principal, sinabi nito na dahil isa lamang ang gusali ng kanilang paaralan at may ikalawang palapag, ang ibabang bahagi lamang ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong Kristine gaya na lamang ng blackboard.
Nalinis at naayos na umano nila ang mga upuan sa mga apektadong silid-aralan.
Samantala, humihingi pa rin sila ng tulong lalo pa’t mayroon pa ring mga kagamitan na nabasa rin sa tubig baha dahilan upang ito ay masira.