NAGA CITY- Nalungkot ang mga Pinoy sa Israel matapos na magtapos lamang sa Top 5 si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa kakatapos pa lamang na Miss Universe 2021.

Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Glenda Talon Daquioag mula sa Port of Eilat sa nasabing bansa, sinabi nito na halos 50% ng audience an gabos mga Pinoy.

Kung maaalala, kasama sa mga nakapasok sa top 5 si Miss Universe Philippines kasama sina Miss Universe Colombia, Miss Universe Paraguay, Miss Universe South Africa at Miss Universe India nggunit dito na nagtapos sina Miss Universe Philippines at Miss Universe Colombia.

Sa huli, kinoronahan bilang bagong Miss Universe 2021 si Miss Universe India habang nakuha naman ni Miss Universe Paraguay ang 1st runner up at 2nd runner up man si Miss Universe South Africa.

Sa kabila nito, nananatili pa rin ang paghanga ng mga Pinoy kay Gomez dahil sa pinakita nitong performance sa nasabing kompetisyon.