NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos na mabangga ng truck sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Nestor Moral Ortenero, 64-anyos, residente ng Barangay Canda Ilaya sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng nasabing behikulo na minamaneho ni Anthony Agustin Viloria, 34-anyos, ang kahabaan ng Maharlika Highway papunta sa Maynila nang mabundol nito ang biktima na naglalakad sa gilid ng kanang parte ng kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sai ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.Top