Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP), sa pamamagitan ng Southern Police District (SPD), na magsampa ng kaso laban sa mahigit 200 indibidwal na inaresto sa isinagawang protesta sa Sucat People’s Park sa Muntinlupa City nitong Linggo, Nobyembre 15, kasabay ng pagsisimula ng 49th ASEAN Summit.

Ayon kay SPD Director Police Brigadier General Rodel Pastor, nagkaroon ng komosyon matapos umanong hindi sumunod ang mga demonstrador sa mga pulis at tumangging makipagtulungan upang mapanatili ang kaayusan sa lugar.

Karamihan sa mga naaresto ay miyembro ng grupong Timog Katagalugan. Isinakay sila sa tatlong truck ng pulisya at dinala sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ipinahayag ni Pastor na maayos lamang na ipinatutupad ng mga pulis ang kanilang tungkulin matapos umanong makipag-ugnayan ang awtoridad sa grupo bago ang protesta. Gayunman, itinuloy pa rin ng mga demonstrador ang kanilang programa sa kalsada.

Advertisement

Ilang protesters naman ang isinugod sa pagamutan matapos mahilo sa gitna ng kaguluhan.

Kabilang sa mga ipinoprotesta ng grupo ang implementasyon ng Pax Silica Initiative at Luzon Economic Corridor sa bansa, gayundin ang nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump na dadalo sa 49th ASEAN Summit.

Advertisement