NAGA CITY- Mahigit P100,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang drug dealer matapos silbihan ng search warrant sa Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Manuel Magno, 54-anyos, residente kan Purok-4 Brgy II Poblacion sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na narekober sa nasabing suspek ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid pa na ang nasabing iligal na droga ang may bigat na aabot sa 15 gramo at nagkakahalaga ng kabuuang P102,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nasabing suspek para sa kaukulang disposisyon.