NAGA CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P400-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu matapos na salakayin ang isang drug den sa Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Larry Delfino, 46-anyos; Marlon Abrera; Enrique Una Jr., parehas 28-anyos; at Jeffrey Facundo, 22-anyos pawang residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nakumpiska sa nasabing operasyon ang 13 sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na umabot sa 65 grams ang bigat ng mga nasamsam na mga iligal na droga at tinatayang nagkakahalaga ng nasa P408,000.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek habang nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hingil sa nasabing insidente.