NAGA CITY – Kumpiskado ang tinatayang mahigit P800-K na halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Tayabas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Roselito Burgos alyas Manoy, 58-anyos, residente ng Blk. 38- Lot. 21 Ringgit street Leveriza Heights Brgy. Isabang, Tayabas City at Richard Castilo alyas Patiag, 39-anyos, residente ng Purok Tulungan, Brgy. Cotta, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang heat sealed transparent plastic sachet ang nagpanggap na poseur buyer sa mga suspek sa halagang P3,000.00.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na maliban sa buy-bust item nakumpiska pa sa mga suspek ang 12 piraso ng ilegal na droga na tinatayang may bigat na 39.44 grams na nagkakahalaga naman ng P804,576.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.