NAGA CITY- Sugatan ang isang welder matapos na pag sasaksakin ng kanyang katrabaho sa San Fernando, CamSur.
Sa panayam kay PCPT Liza Jane Alteza, PIO ng CSPPO, sinabi nito na nangyari ang insidente kahapon, Marso 12, 2025 dakong alas-6:30 ng gabi.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na diskusyon ang biktima na isang 33 taong gulang at residente ng San Fernando, Camarines Sur at ang suspek na isang 31 taong gulang, residente naman ng Eastern Samar.
Kaugnay nito, matapos ang insidente at kaagad na dinala sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal habang agad naman naaresto ang suspek.
Dahil dito, muling nagpaalala si Alteza sa publiko na iwasan ang pagigin mainitin ang ulo at sakaling mayroong hinanakit o sama ng loob sa ibang tao lalo na kung kasamahan sa trabaho ay habaan na lamang ang pag-intindi o kaya naman ay kausapin ito ng direkta sa mahinahon upang hindi na maglala pa ang sitwasyon.