Alam ba ninyo mga ka-bombo, tila eksena sa pelikula ang nangyari sa pagitan ng isang lalaki sa Mexico at grupo ng mga musikero.

Ito’y matapos na pagtulungan na bugbugin ng mga nasabing musikero ang isang lalaki ngunit kakaibang depensa ang ginawa nito upang hindi mapuruhan sa naturang gulo.

Binugahan ng apoy ng lalaki ang grupo ng rumesbak ang mga ito para tulungan ang kasamahan nilang unang nakaaway ng lalaki.

An nabanggit na lalaki ay isang flamethrower o yung mga entertainer sa perya na nagbubuga ng apoy.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, away sa kita ang dahilan sa nasabing kaguluhan.