Inaasahang magkakaroon ng malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa paunang pagtataya ng mga industriya ng langis.

Batay sa mga umiiral na galaw sa pandaigdigang merkado, maaaring bumaba ng P4 hanggang P5 kada litro ang presyo ng gasolina. Mas malaki naman ang inaasahang bawas sa diesel na tinatayang nasa P8 hanggang P10 kada litro.

Posible ring magkaroon ng rollback sa kerosene kung saan inaasahang aabot sa P9 hanggang P11 kada litro ang magiging bawas sa presyo nito.

Kung maisasakatuparan, ito ang isa sa pinakamalalaking rollback na naitala ngayong taon at maaaring magbigay ng ginhawa sa mga motorista, operator ng pampublikong sasakyan, at mga sektor na lubhang naaapektuhan ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Advertisement

Gayunman, paalala ng mga industriya ng langis na ang mga bilang na ito ay paunang pagtataya pa lamang at maaari pang magbago depende sa magiging galaw ng pandaigdigang presyo ng krudo at foreign exchange market bago ang opisyal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis.

Inaasahang ilalabas ng mga oil company ang pinal na adjustment sa presyo sa mga susunod na araw bago ito ipatupad sa unang bahagi ng susunod na linggo.

Advertisement