NAGA CITY – Nasa kustudiya na ngayon ng mga otoridad ang isang mangingisda matapos makunan ng illegal firearm sa Zone 6, Brgy. Coguit, Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Joshua Landagan, 22-anyos.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Patrolman Ronald Cabug, imbestigador ng PNP-Balatan, sinabi nitong ipinaabot sa kanilang hepatura ang nangyaring panunutok ng baril ni Landagan matapos makipag-away sa kainuman.

Dahil dito, agad na rumesponde ang mga otoridad sa nasabing lugar at doon na nakumpiska ang isang caliber. 38 revolver.

Sa ngayon kasong illegal possession of firearm ang kahaharapin ng nasabing suspek.