SUGATAN ang isang mangingisda matapos na saksakin sa Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si John Kenneth Begata Mayo, 29-anyos, residente ng Brgy. Calimpak, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad ang biktima sa may eskinita nang bigla na lamang dumating ang suspek na si Sergio Ariate Zaraga, 47-anyos, residente rin ng nasabing lugar, at bigla na lamang nitong sinaksak ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa kanyang mukha si Mayo na agad namang nakatakbo sa suspek at humingi nang tulong na maitakbo papunta sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kapadusahan.