Sumuko na si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang isyuhan ng Sandiganbayan ng warrant of arrest kaugnay ng kinahaharap niyang kasong plunder na nagkakahalaga ng P75 milyon.
Dinala si Marcoleta sa Camp Crame kung saan sasailalim siya sa booking procedure. Bago lisanin ang Sandiganbayan, sinabi ng senador na inaasahan na niya ang paglalabas ng arrest warrant at handa siyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.
Mas maaga nitong Lunes, personal na dumalo si Marcoleta sa pagdinig ng kaniyang plunder case na may kaugnayan sa umano’y hindi pagdedeklara ng campaign donations na natanggap noong 2025 senatorial elections.
Bago ang paglalabas ng warrant, naghain ang senador ng ilang mosyon, kabilang ang kahilingang ibasura ang kaso. Gayunman, nakakita ang Sandiganbayan ng probable cause, dahilan upang maglabas ito ng warrant of arrest laban kay Marcoleta at tatlo pang iba.













